Mga kaanak ng mga sundalong nasawi sa Marawi, humuhugot ng lakas sa pananalig sa Dios at suporta ng mga kaibigan

by Radyo La Verdad | November 2, 2017 (Thursday) | 1952

13 sa 165 na mga sundalo at pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan sa Marawi City ang nakahimlay sa libingan ng mga bayani sa Taguig City.

Isa na rito si Corporal Dominar Lape. Naulila niya ang tatlong maliliit na anak. Para sa kaniyang misis na si Aissa, malaking naitutulong ng pananampalataya sa Dios at suporta ng mga kaibigan at kaanak para malagpasan ang isa sa pinakamatinding pagsubok sa kanilang buhay.

Samantala, pinakahuling nailibing sa libingan ng mga bayani ang mga labi ni Corporal Jethro Estacio ng Philippine Army. Isa siya sa dalawang huling na-retrieve ang katawan sa battle area sa Marawi.

Kalunos-lunos ang sinapit ni Corporal Jethro Estacio sa kamay ng mga terorista, sinunog at inalis ang ilan sa mga bahagi ng kaniyang katawan kaya naman napakasakit din ito para sa kaniyang ina na si Filomena.

Panawagan niya, papanagutin ng Commission on Human Rights ang gumawa nito sa kaniyang anak.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,