Apat na pamilya sa brgy. Tubod, Iligan City ang humihingi ngayon ng tulong sa pamahalaan upang mahanap ang kanilang mga nawawalang mahal sa buhay. Halos mag-aanim na buwan na ang lumipas ngunit wala pa ring balita ang mga tungkol sa kanilang mga kaanak. Nagbigay na sila ng mga larawan at pangalan subalit hanggang ngayon walang nakikipag-ugnayan sa kanila.
Dahil dito, minabuti na rin nilang lumapit sa media para matulungan at humingi na rin ng ayuda sa pamahalaan partikular ang pinansiyal na tulong. Bagamat malabo na anilang isipin na buhay pa ang kanilang mga mahal sa buhay, hindi pa rin silang nawawalan ng pag-asa.
Hiling naman ni Ginalyn Barcelon na umuwi na ang kaniyang ina na nasa Maynila matapos silang iwanang magkakapatid. Ang kaniyang kuya na ang nagsisilbing ama at ina nila ay kasama ring na-hostage ng mga Maute limang buwan na ang nakalipas.
Samantala, iba’t-ibang mga baril ang narecover ng mga sundalo kahapon sa Lake Lanao na pag-aari umano ng mga teroristang Maute.
Nasa tatlumpung high powered at long fire arms ang itinapon ng mga terorista sa naturang lake.
( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )
Tags: kaanak, Marawi crisis, na-hostage