Aabot sa 20,000 libong piso ang tulong pinansyal na natanggap ng mga kaanak ng natabunan ng landslide sa Barangay Habawel, Natonin, Mt. Province.
Dalawampung libong piso dito ay mula sa lokal na pamahalaan, habang limang libong piso naman ang galing sa iba pang government agency gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Isa-isa namang kinausap ng mga tauhan ng DSWD-CAR ang pamilya ng mga nasawi at maging sa mga nakaligtas sa trahedya upang i-assess ang kanilang mga pangangailangan. Bukod sa limang libong piso, tutulong din ng DSWD sa funeral expenses.
Sa labing anim na bangkay na narekober sa ground zero, labing apat dito ang naiuwi na at nabigyan ng tulong. Naihatid na rin sa kani-kanilang mga bayan o probinsiya.
Ang dalawang narekober na bangkay na hindi pa nakikilala ay nananatiling nasa Carbonel Funeral Service sa Alfonso Lista, Ifugao.
Ayon kay Mayor Mateo Chiyawan, nasa labing walong bahay din ang natabunan ng landslide sa kanilang bayan sa kasagsagan ng bagyo.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang search and retrieval operation sa ground zero sa Sitio Hakrang, Barangay Habawel, Natonin Mt. Province at tatagal na lamang ito hanggang Biyernes.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com