Mga kaanak ng biktima ng Maguindanao massacre, nais makipag-usap ng personal kay Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | November 22, 2017 (Wednesday) | 3780

Nais makausap ng personal ng mga kaanak ng mga biktima ng Maguindano massacre si Pangulong Rodrigo Duterte upang humingi na ng tulong dahil naiinip na umano sila sa mabagal na pag-usad ng kaso.

Ayon sa abugado ng mga biktima na si Atty. Nena Santos, 112 palang mula sa 196 na sinampahan ng kaso ang binasahan na ng sakdal.

Aminado naman ang abugado na hirap sila sa pondo para sa pangangailangan ng mga testigo na nasa ilalim ng Witness Protection Program.

Handa naman umano silang tulungan ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na dating naging abugado ng mga biktima.

Kaya naman nagdesisyon na si Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu na pa-imbestigahan ito sa Kamara.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,