Maaari nang mag-apply ng taripa ngayong araw sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeep at bus operator. Ito ay upang makapagsimula na silang maningil ng dagdag-pasahe.
Sampung piso na ang minimum na pasahe sa jeep, habang 11 pesos sa ordinary buses at 13 pesos naman sa airconditioned buses.
Ayon sa LTFRB, hindi sila nakapaglabas ng fare matrix noong isang linggo dahil wala pang nag-aapply at nagbabayad para maproseso ang naturang dokumento.
520 pesos ang kailangan para sa certificate of public conveyance ng isang operator at karagdagang 50 pesos naman sa bawat unit ng jeep o bus para sa kopya ng fare matrix.
Tags: dagdag-pasahe, LTFRB, taripa