Marami ang naperwisyo ng matinding traffic at kagabi sa maraming lugar bunsod ng malakas na buhos ng ulan.
Ngunit mabilis na nagpaliwanag ang PNP-Highway Patrol Group na ang biglaang pagbaha ang pangunahing dahilan kaya naipon ang mga sasakyan sa Edsa.
Sinabi ni PNP HPG Director P/CSupt. Arnold Gunnacao na hinihingina nila sa MMDA ang listahan nang binabahang lugar para sa gagawing pagpa plano ng mga alternatibong ruta.
Ipinahayag din ni Gen. Gunnacao na hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihingi niyang augmentation mula sa MMDA na makakatulong sana nila sa pagsasaayos ng traffic.
Kaya naman ang 10 pulis mula sa mga estasyon na nakasasakop sa lugar na lamang ang tumutulong sa kanila sa pagmamando ng traffic sa Edsa habang wala pa ang MMDA personnel
Pinuri din ng heneral ang kanyang mga tauhan na hindi umalis sa kalsada kahit na malakas ang ulan kagabi at patuloy na nagmamado ng trapiko. ( Lea Ylagan / UNTV News )