Mga isyu sa West Philippine Sea, muling tatalakayin sa 2nd bilateral talks ng Pilipinas sa China sa Pebrero – DFA Sec. Cayetano

by Radyo La Verdad | January 16, 2018 (Tuesday) | 7777

Muling dumipensa ang Department of Foreign Affairs sa usapin na wala itong ginagawang aksyon sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea. Partikular na ang umanoy pagtatayo ng mga ito ng military structures sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, hindi naman tumitigil ang dalawang bansa sa pag-uusap upang masolusyunan ito sa mapayapang paraan.

Ilan ding sensitibong isyu patungkol sa usapin sa West Philippine Sea ang nakatakdang talakayin ng Pilipinas at China sa ikalawang bilateral consultations nito sa Pebrero.

Isa pa sa maaaring mapag-usapan at mapagkasunduan sa pulong ang isyu sa joint exploration sa disputed waters.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,