Mga ipatutupad na bagong traffic scheme, aprubado na ng Metro Manila Council

by Radyo La Verdad | March 23, 2018 (Friday) | 9050

Iba’t-ibang bagong traffic scheme ang na-aprubahan ng Metro Manila Council; kabilang na dito ang paglalagay na ng motorcyle lane sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quiapo Area, España, Elliptical Road, Roxas Boulevard at Marcos Hiway.

Lahat ng lalabag dito ay pagmumultahin ng isang libong piso. Ipatutupad ang bagong ordinansa limang araw matapos ang publikasyon sa mga pahayagan.

Samantala, kasama na sa no-contact apprehension ang illegal parking. Lahat nang mahahagip ng CCTV camera ng MMDA na illegally parked vehicles ay kasama na sa mga pagmumultahin ng 500 hanggang 1,200 piso.

Bukod dito, napagkasunduan na rin ng mga Metro Manila Council na gawin na ring pare-pareho ang multa sa mga traffic violation sa buong Metro Manila.

Nauna nang naaprubahan ng konseho ang unified ticketing system noon at ngayon lamang napagkasunduan ang sa common fines sa traffic violations.

Lahat ng traffic violation fines ay hindi lalagpas ng limang libong piso, kaiba sa DOTr joint administrative order na ipinapatupad ng ito na umaabot hanggang isang milyong piso

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,