Reuters – Patuloy na nagsasagawa ngayong ng emergency relief operations ang mga international aid agency para sumaklolo sa mga remote island ng Vanuatu na pinangangambahang nawasak sa pananalasa ng Cyclone Pam
Sa kasalukuyan ay hirap ang mga disaster management officials at relief workers na makapagtatag ng maayos na komunikasyon sa mga residente dahil sa matinding pinsala na tinamo mula sa naturang cyclone na tinatayang may lakas na 300 kilometers per hour (kph) nitong nakaraang weekend.
Aabot sa 24 katao na ang patay at nasa 3,300 indibiduwal ang nawalan ng tirahan dahil kay Cyclone Pam. Inaasahan ng mga opisyal na tataas pa ang mga naturang bilang kapag tuluyan nang makarating ang mga ito sa isla para tayahin ang danyos na idinulot ng cyclone.
Ang mga rescue teams mula Australia at New Zealand ay lumipad na patungo sa Vanautu pero hindi pa rin sila makakalapag sa mga apektadong lugar dahil sa mga pagbaha. Maaari lamang sila makapag-landing sa mga matataas na lugar para bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga rescue worker na makita ang pinsala na dulot ng Cyclone Pam.