Mga injury sa WFH, kasama na mabibigyan ng kompensasyon mula sa ECC

by Erika Endraca | May 20, 2021 (Thursday) | 1956

METRO MANILA – Kasama na ang work-from-home injuries sa mga sakop ng kompensasyon mula sa Employees’ Compensation Commission (ECC).

Ayon kay ECC Executive Director Stella Banawis, nag-ugat ang kanilang naging desisyon sa kaso ng isang guro na namatay habang ginagawa ang project na iniutos sa kanyang tapusin sa bahay.

“So pineprepare nya yung gadyet na yun o something ay na-electricute po siya. So yung injury na yun sabi ng supreme court compensable. Namatay po yung worker” ani ECC Executive Director Stella Banawis.

Kasama sa mga benepisyong maaaring matanggap ay para sa sickeness, death at funeral maging ang P10,000 financial assistance.

Nilinaw naman ng ecc na hindi kasama sa bagong polisiyang ito para sa mga nagkasakit habang nasa work-from-home.

Pero ayon sa isang grupo ng mga manggagawa, dapat ding isama sa mga bibigyan ng ganitong mga benepisyo ang mga nagkasakit ngayong nagka-work from home.

“Ang mga diseases na ito ay resulta ng mga workload na sobra-sobra para sa mga manggagawa kung kaya nagdudulot ito ng anxiety, depression, burnout sa kanila” ani ALU-TUCP Spokesperson, Alan Tanjusay.

Maaaring i-apply para makakuha ng benepsiyo sa Social Security System para sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor habang sa GSIS naman sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,