Mga inirereklamong kumpanya sa Saudi Arabia, nangakong aayusin na ang problema ng ilang Filipino workers

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 6602

OFW
Limang araw na bumisita sa ilang bahagi ng Saudi Arabia ang special team ng Department of Labor and Employment o DOLE upang alamin ang sitwasyon ng ilan sa Overseas Filipino Worker na may problema sa kanilang mga employer.

Ilan sa problemang kinakaharap ng mga Pilipinong manggagawa sa Saudi ang hindi tamang pagpapasweldo, expired working permits at repatriation.

Kinausap ng mga ito ang Mohammad Almojil Group of Company, Saudi Oger Limited at Saudi Bin Laden Group na pawang mga construction company na pinagta-trabahuhan ng mga nagkakaproblemang OFW.

Nangako naman ang ilan sa mga kumpanya gaya ng Saudi Oger at Mohammad Al Mojil Group of Companies na aayusin ang problema ng mga Filipino worker gaya ng pagbabayad ng mga backwages at penalties sa expired working permits.

(UNTV NEWS)

Tags: