Mga in demand na trabaho sa 2021, may kaugnayan sa Health, Construction at BPO – DOLE

by Erika Endraca | December 31, 2020 (Thursday) | 9370

METRO MANILA – Mahigit 7M Pilipino ang mag-aagawan sa paghahanap ng mapapasukang trabaho sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 4 na Milyon ang jobless noong pre-pandemic at nadagdagan pa ng ng mahigit sa 3 Milyon dahil sa epekto ng Covid-19.

Karamihan sa mga ito ay empleyado ng mahigit sa 100,000 mga negosyo na pansamantala at permanenteng nagsara o kaya naman ay nagbawas ng mga tauhan.

Makakasama rin sa kumpetisyon sa paghahanap ng trabaho ang mga magtatapos sa kolehiyo.

“So ito ay stiff competition kung baga at ang mga job opportunities naman ay maaaring hindi ganun kalaki ang ma jenerate ng ating ekonomiya na number of employment kaya hindi niya rin maaabsorb lahat ng ating job seekers in the labor market” äni DOLE Asec Dominique Tutay.

Sa kabila nito ay mayroon parin namang mga nakikitang magiging in-demand na mga trabaho sa 2021. Pangunahin na dito ang mga may kaugnayan sa kalusugan gaya ng nurse, medical technologist at pharmacist.

Sa construction naman ay mga civil, mechanical at electrical engineers gayun din ang architect. Meron din sa business process outsourcing gaya ng sa information technology, customer service representatives, programmers at encoders.

May mga bakante rin sa mga opisina ng gobyerno. Payo naman ng DOLE, habang wala pang mapasukang trabaho ay huwag lang magmukmok dahil maaaring namang mag enroll sa mga online traing program s gaya sa tesda para madagdagan ang kaalaaman at kakayahan.

Sa mga nakatanggap naman anila ng ayuda mula sa pamahalaan ay huwag naman itong waldasin kundi gawin puhunan at palaguin kahit na maliit na negosyo lamang.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,