Mga importer at broker na mabibigong maghain ng reklamo vs. tiwaling BOC officials bago matapos ang 2016, tatanggalan ng akreditasyon

by Radyo La Verdad | November 29, 2016 (Tuesday) | 880

aiko_faeldon
Batid ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na laganap pa rin ang korupsyon sa ahensya hanggang ngayon dahil na rin sa sumbong ng mga importer at broker.

Ngunit hindi aniya maso-solusyunan ang problemang ito kung walang magsasampa ng pormal na reklamo laban sa mga umano’y tiwaling opisyal ng ahensya.

Bunsod nito, binigyan na ng taning hanggang Disyembre ni Faeldon ang mga ito na makiisa sa transparency programa ng ahensya upang labanan ang korupsyon.

Nagbanta na rin si Faeldon na tatanggalan niya ng accreditation ang mga importer at broker na hindi makikipagtulungan sa kanilang kampanya.

Itatakda ni Faeldon sa January 2017 ang pagtatanggal sa accreditation ng mga hindi tutugon at mapapatunayang sangkot sa corruption practices.

Magugunitang 13 empleyado na ng customs ang nasuspindi at isang opisyal ang natanggal matapos mapatunayang sangkot sa maanomalyang transaksyon.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,