Mga iligal na paputok sa La Union , kinumpiska ng PNP at ng lokal na pamahalaan

by Radyo La Verdad | December 30, 2015 (Wednesday) | 1762

INSPECTION-2
Magkatulong na nagsagawa ng inspeksyon ang lokal ng pamahalaan ng San Fernando La Union kasama ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa mga tindahan ng paputok.

Nais matiyak ng mga otoridad na sumusunod ang mga ito sa ipinatutupad na mga regulasyon.

Isang tindahan ang kinumpiska ang 28 piraso ng maliliit na kahon na may tatak na party pack na naglalaman ng iba’t ibang klase ng paputok na may halong piccolo na mahigpit na ipinagbabawal ibenta.

Mahigpit na ipinagbabawal sa La Union ang pagtitinda ng paputok sa ibang lugar at tanging sa plaza lamang pinapayagan.

(Toto Fabros/UNTV News)

Tags: , ,