Mga huminto na sa paggamit ng droga na sumuko sa anti-drugs campaign ng pamahalaan wala pang 1% – PDEA

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 2685

Wala pang isang porsyento ang huminto na sa paggamit ng iligal na droga sa mahigit isang milyong indibidwal na sumuko sa anti-drugs campaign ng pamahalaan ayon sa Philippine Drug Enforcement  Agency o PDEA.

Ayon kay PDEA NCR Director Wilkins Villanueva, hindi naging epektibo ang mga pasilidad na itinayo upang ma-rehabilitate ng maayos ang mga sumuko.

Naobserbahan aniya ng PDEA na sa matagal na panahon ay hindi nagbabago ang presyo ng iligal na droga. Ibig sabihin, marami pa rin ang mga gumagamit sa kabila ng kabi-kabilang operayson ng laban dito. Ipinaliwanag rin ni Villanueva na hindi naging prioridad ng nakaraang administrasyon ang paglaban sa iligal na droga.

Ang suhestyon ng PDEA, tutukan rin ng pamahalaan kung paano mas magiging epektibo ang rehabilitation program para sa mga sumuko sa anti-drugs campaign ng pamahalaan.

Sa ganitong paraan ay masasabing totoong nagtagumpay ang kampanya kung tuluyang magbabagong buhay ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

 

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,