METRO MANILA – Pinapayagan na ng Department Of Tourism (DOT) na mag-operate ng full capacity ang mga hotel sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified GCQ.
Ibig sabihin, kasama dyan yung mga hotel dito sa Metro Manila.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layon nito na maka-recover ang industriya ng turismo sa bansa.
Nakatakda namang magpalabas ang DOT ng guidelines para sa expanded operational capacity ng mga hotel.
Sa ngayon, ilang hotel sa bansa ang ginagamit bilang temporary quarantine facilities, habang ang iba naman ay pinapayagan nang mag-operate at tumanggap ng staycation bookings.
Tags: hotel