Mga hotel at resort sa Boracay, hindi pagbabawalan na tumanggap ng early booking – DOT 6

by Radyo La Verdad | August 30, 2018 (Thursday) | 1714

Una nang tiniyak ng Boracay inter-agency task force na magbubukas sa mga foreign at local tourists ang Boracay Island sa ika-26 ng Oktubre pagkatapos ng anim na buwang closure dahil sa isinagawang rehabilitasyon sa isla.

Dahil dito, may mga turista nang kumuha ng reservations o early booking sa mga hotel at resorts sa isla.

Ito ay sa kabila ng payo ni Environment Secretary Roy Cimatu na antayin muna ang listahan ng mga compliant establishments bago magpa-reserve ng resort o hotel rooms sa Boracay.

Ayon kay Attorney Helen Catalbas, ang regional director ng Department of Tourism (DOT), hindi pinagbabawalan ang mga business establishment na tumanggap ng early bookings.

Ngunit paalala ng mga ito, asikasuhin ng mga business owner ang kanilang requirements upang makapagbukas ng kanilang mga negosyo sa takdang oras.

Ayon sa Boracay inter-agency task force, ang isang establisyemento sa Boracay ay kailangang makasunod sa mga requirements ng DENR, DILG at ng DOT bago payagang mag operate sa reopening ng isla.

At upang mabigyang gabay ang mga turista kung saang resort o hotel magpapabook, balak ng DOT na maglabas ng listahan ng mga compliant establishments ngayong Setyembre.

Ngayong linggo ay sisimulan naman ng ahensya ang kanilang intensive review at inspection sa mga establisyamento sa Boracay.

 

( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,