Mga hindi nabayarang SSS Contributions ng mga kasangbahay, hindi na ikakaltas sa sahod kapag naisabatas ang House Bill 5976

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1922

IMAGE_10102013_untv-news_SSS
Isinumite sa Kamara ang House Bill 5976 o Condonation Program na naglalayong palagpasin o huwag nang kolektahin ang mga hindi pa nababayaran na SSS contributions ng mga kasangbahay.

Mahalaga umano na hindi ikaltas sa buwanang sahod ang SSS contributions ng mga kasangbahay dahil nakalaan ang malaking bahagi ng kanilang mga sahod para sa kanilang mga pamilya at personal na pangangailangan.

Ayon kay Rep Sherwin Gatchalian, tinatayang 123, 402 ang registered helpers sa SSS ng noong 2014.

Tataas umano ang bilang ng mga magiging miyembro ng SSS kung magbibigay ang pamahalaan ng incentives sa mga emplyado sa pamamagitan ng implementasyon ng isang programa na magbibigay ng mas madaling payment plan sa pamamagitan ng Condonation Program.

Ayon pa sa kongresista ang intensyon ng panukalang batas ay upang makatanggap pa rin ng benepisyo ang mga kasangbahay mula sa Social Insurance Scheme.

Kahit na hindi pa nila naire-remit ang kanilang SSS contribution dues at payables ay maaari pa rin silang mag-avail ng Condonation Program.

Maaari pa rin umanong mag-register sa SSS ang isang kasangbahay bago o pagkatapos ang implementasyon ng naturang panukala.

Ang pagtanggi din umano ng mga employer na i-remit ang contribution ng kanilang kasangbahay sa ilalim ng condonation program ay hindi makaaapekto sa benepisyong matatanggap ng mga kasangbahay na nakapaloob sa SSS Law.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,