Mga hindi bakunado sa Northern Samar, bawal ng lumabas

by Radyo La Verdad | January 27, 2022 (Thursday) | 2579

Inaprubahan na ng Northern Samar Provincial Board nitong Lunes (January 24) ang ordinansang maglilimita sa paggalaw ng mga hindi pa bakunadong residente sa probinsya.

Ito’y kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mabagal na pagsulong ng pagbabakuna sa probinsya.

Nakapaloob sa naturang ordinansa ang pagbabawal sa mga ito na pumasok sa mga restaurant, hotel, mall, sports and event venues, gym, at iba pang mga establisyimento gayun din ang paglabas sa kani-kanilang mga bahay maliban kung ang mga ito ay mamimili ng essential supplies o nangangailangan ng serbisyong medikal.

Samantala, nangangailangan namang magpakita ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result kada 2 linggo ang mga empleyadong hindi pa bakunado bago payagang makapasok sa trabaho.

Sakop din ng ordinansa ang pagbabawal sa mga hindi pa bakundadong mamamayan ang paggamit ng pampublikong sakayan bukod sa di pagpasok sa mga pribado at publikong mga establisyimento.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mababa ang porsyento ng mga nagpapabakuna sa Nortern Samar kung saan 214,105 pa lamang ang fully-vaccinated o 45.3% ng total target population.

(Evangelyn Alvarez | La Verdad Correspondent)

Tags: