Mga guwardiya sa NBP na papalitan ng PNP-SAF, isasailalim sa refresher training ng BuCor – Major Gen. Balutan

by Radyo La Verdad | July 20, 2016 (Wednesday) | 4260

JERICO_BALUTAN
Hindi muna tuluyang aalisin ang mga guwardiya ng New Bilibid Prison ayon kay incoming Bureau of Corrections o BuCor Chief at Major General Alexander F. Balutan.

Isasailalim muna ito sa refresher training saka ito sasalain ng pamunuan ng BuCor.

Ayon kay Balutan, hindi na papayagan ang mga dating guwardiya sa loob ng Bilibid o sa mga critical points sa loob.

Asahin na rin aniya ang reassignment ng mga opisyal ng BuCor.

Ngayong araw ang pasimula ng deployment ng isang batallion na mga PNP – SAF.

Uunti-untiin umano ang pagpapalit hanggang sa mapalitan ang nasa siyam na raang prison guards.

Sa August 1 magsisimula ang pamamahala ni incoming BuCor Chief Major General Balutan.

Papalitan nito si outgoing BuCor Chief Director General Rainier Cruz.

Alas nuwebe ngayong umaga ang isasasagawang turnover ceremony ng PNP-SAF sa bilibid na dadaluhan ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre at PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,