Binabalik na ng Davao City ang mga paaralang ginamit para sa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) para sa COVID-19 para sa paghahanda ng Face-to-Face (F2F) classes sa lungsod.
Ayon kay Davao City Covid-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, ang mga paaralang ginamit sa TTMF ay babakantihin na upang bigyang daan ang mga school authorities na mapaghandaan ang F2F classes.
Aniya, ang kasalukuyang positivity rate ng lungsod ay nasa 2% na lamang kaya ipapasara na ang ilang TTMF.
Pinapayuhan naman na mag-home isolation ang mga symptomatic at ang mga may mild cases ng COVID-19.
Samantala, supportado ni Mayor Sara Duterte ang pagbabalik ng Face-to-Face classes sa lungsod ngunit mahigpit na nagpaalala na sundin pa rin ang Minimum Public Health Standards (MPHS) sa mga paaralan tulad ng pagsusuot palagi ng face mask.
(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)