Nananatili ang commitment ng mga guro sa Mindanao na magsilbi sa darating na Midterm Elections sa kabila ng pagsasailalim ng rehiyon sa COMELEC Control bunsod ng mga banta sa seguridad.
Mahigit 200,000 na mga guro ang kakailanganin ng COMELEC na umasiste sa darating na halalan sa May 13.
Ayon kay DEPED USEC Nepomuceno Malaluan, wala pa naman silang natatanggap na ulat na may gurong aatras sa pagsisilbi sa halalan sa Mindanao.
Matatandaang isinailalim na sa COMELEC Control ang buong Mindanao dahil sa banta ng mga armado at teroristang grupo.
“I guess the local situation will still be important because even in non-hotspot areas, it’s the usual but you can also be sure that teachers have been there and done that in the longest time that we’ve been involved as a support institution for the conduct of the elections.” ani Malaluan.
Paliwanag pa ng DEPED, may karapatan din namang umatras ang mga guro kapag nasa panganib o kritikal na ang kalagayan ng mga lugar. Ito ay naayon sa RA 01756 o Election Service Act (ESRA) na nagsasabing bulontaryo ang pagsisilbi ng mga guro sa mga halalan. Sa ganitong sitwasyon, mga pulis at sundalo ang papalit bilang miyembro ng Electoral Board.
Bukod sa Mindanao, nasa ilalim na rin ng COMELEC Control ang Daraga, Albay; Jones, Isabela; Lope de Vea, Northern Samar at ang buong probinsiya ng Abra.
“I think to the extent that COMELEC has not approached us to talk about a crisis situation then we feel that it’s still in order,” saad ni Malaluan.
Samantala, umaasa rin ang DEPED na papaburan ng Kongreso ang pagpasa ng panukalang pondo para sa honoraria ng mga gurong bulontaryong magsisilbi sa may 13 midterm election.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: 2019 midterm elections, COEMELEC Control, May 13 elections, Minadanao