Mga guro na nagsilbing Board of Election Inspector sa katatapos na eleksyon, nagprotesta dahil sa naantala nilang honorarium

by Radyo La Verdad | May 19, 2016 (Thursday) | 3366

BRYAN_RALLY
Nagprotestasa labas ng Philippine International Covention Center ang Alliance of Concerned Teachers kasama ang mga guro na nagsilbing Board of Election Inspectors at support staff sa 2016 National Elections.

Panawagan nila sa COMELEC, i-release na ang kanilang honorarium.

Ayon kay Benjie Valbuen, National Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers dapat nasundin ng COMELEC at DEPED ang nakasaad sa Election Service Reform Act tungkol sa pagbibigay ng honorarium sa mga guro na magsisilbi sa eleksiyon.

Sinabi ni Valbuen na gawa na nila ang kanilang trabaho at marapat lamang na gawin din ng Aquino government ang kanilang tungkulin sa kanila.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,