Mga guro, estudyante at volunteers, nakiisa sa unang araw ng Brigada Eskwela sa Cebu

by Radyo La Verdad | May 16, 2017 (Tuesday) | 6584


Aktibong nakibahagi ang tinatayang nasa isang libong indibidwal sa launching ng Brigada Eskwela ng Department of Education sa Ramon Duterte Memorial National High School.

Personal din itong dinaluhan ni Education Secretary Leonor Briones.

Muli namang binigyang diin ni Sec.Briones ang kahalagahan ng alternative learning system na flagship program ng DepEd.

Isinagawa naman ang turn-over ng mahigit syam na raang libong mga lapis sa ilalim ng 1 million lapis campaign project.

Samantala, isasailalim din sa random drug testing ang mga secondary at elementary public school teachers.

Ito ay upang matiyak na ligtas ang mga estudyante sa pangangalaga ng mga guro sa paaralan at maiwasang ang mga ito ay masangkot sa anomang ilegal na aktibidad.

Pagtitiyak ng kagawaran, mananatiling confidential ang magiging resulta ng random sampling.

Ang sinomang magpositibo ay hindi muna magtuturo upang sumailalim sa mga intervention gaya ng rehabilitation.

Makakabalik lamang ito kung mayroong competent medical authority na magpapatunay na may kakayahan na itong magturo muli.

(Gladys Toabi)

Tags: , , , ,