Mga Filipino architect at engineer sa Qatar binigyan ng isang taong palugit upang makapagparehistro

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1513

ENGINEER
Nagpalabas ng circular ang embahada ng Pilipinas sa mga Filipino engineers at architects dito sa Qatar upang tumugon sa polisiya ng bansa na magparehistro bago ang itinakdang deadline.

Sa statement ng Chairman of the Engineers ng Urban Plannning and Development Authority ng Qatar o UPDA, 6 na buwan hanggang 1 taon ang ibinigay nitong grace period upang makapag-parehistro.

Ayon sa Qatari Law No. 19 of 2005 ni-rerequire nito na magparehistro ang mga engineer at architect sa Urban Planning and Development Authority upang makapag pagpatuloy na makapagtrabaho sa bansa.

Kinakailangan rin na may 12 years basic education o may kabuoang 16 years of education upang ma qualify bilang isang professional worker.

Ngunit ang Pilipinas ay may 10 years basic education lamang, at kung idagdag ang 5 years sa engineering ay kulang pa rin ng isang taon sa hininging 16 years of education ng Supreme Council.

Ngayong 2016 lamang ang full implementation ng 12 year basic education sa Pilipinas.

Kailangan rin na graduate ang mga ito sa 92 accredited schools ng CHED at dapat rin nakapasa sa PRC Licensure Exam.

Kung pasado na sa mga requirements na ito maari na siyang mag exam ng kahit hanggang apat na beses upang maging isang professional worker sa bansa

Ayon kay Commission ng Higher Education o CHED Chairperson Patricia Licuanan seryoso dapat sundin ng ating mga kababayan ang bagong panuntunan ng na ito ng gobyerno ng Qatar

Isa si Engr. Joseph Vizmanos na naghahanda na ng kanyang mga requirements para makapag exam at makapagparehistro sa Urban Planning and Development Authority.

“Magandang balita dahil na extend grace period kala po namin hanggang January 31 na lang yung registration, ngayon po on process na yung application ko for examination sa UPDA.”

Nangako naman ng suporta si Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo Santos sa ating mga Filipino engineers at architects dito sa Qatar.

Sa tala ng Department Of Labor and Employement aabot sa labing dalawang libong Pilipinong engineers at architects ang kasalukuyang nagtatrabaho dito sa Qatar.

(Ramil Ramal/UNTV News)

Tags: ,