Mga Estudyante libre nang makakasakay sa Mrt-3, Lrt-2 at Pnr simula July 1.

by Erika Endraca | June 28, 2019 (Friday) | 17217

MANILA Philippines, Epektibo na sa July 1 ang libreng sakay ng lahat ng estudyante sa Mrt-3,  Lrt-2 at Philippine National Railways (PNR).

Ayon sa Department of Transportation (DOTR) ang naturang hakbang ay alinsunod sa programang puso at malasakit para sa mga pilipino ng kagawaran.

Para sa mga estudyante na sasakay sa mrt-3, magsisimula ang libreng sakay ng alas-5 hanggang alas-6:30 ng umaga at alas-3 hanggang alas-4:30 ng hapon.

Habang sa lrt-2 naman, iiral ang libreng sakay mula alas-4:30 hanggang ala-6 ng umaga at alas-3 hanggang alas-4:30 ng hapon.

Para naman sa pnr, magumpisa ang libreng sakay mula alas-5 hanggang alas-6 ng umaga at alas-3 hanggang alas-4 ng hapon.

Sa ngayon kailangan lamang ipakita ng mga estudyante ang kanilang school id.

Subalit sa mga susunod na pagkakataon ay kailangan pa rin nilang mag-apply ng free ride id.

Bisitahin lamang ang website ng Dotr,mrt at lrt-2, mag fill-up ng form at maari itong i-claim sa malasakit centers na makikita sa kada istasyon ng mga nabanggit na linya ng tren.

Bukod sa libreng sakay, hindi na rin pagbabayarin ng terminal fee ang mga estudyante sa airport at seaport.

Subalit inaasahan na magiging epektibo pa iyon sa Agosto habang inaayos pa ang guidelines.

Tags: , , ,