Mga eskperto, nagbabala sa holiday heart syndrome na sanhi ng malabis na pag-inom ng alak

by Erika Endraca | December 9, 2020 (Wednesday) | 748

METRO MANILA – Bukod sa banta ng Covid-19, mayroon pang mga sakit na posibleng makuha ngayong holiday season.

Ayon kay Philippine Heart Association President Dr Orlando Bugarin, may tinatawag na Holiday Heart Syndrome o ang irregular na pagtibok ng puso. Ang pag-inom ng alak ang nakikitang sanhi nito

Ayon sa eksperto, malabis na ang 5 bote ng alak na inumin ng isang indibidwal sa isang upuan

pero hangga’t maaari iwasan nang uminom ng alak dahil wala itong buting naidudulot sa katawan ng tao lalo na kung mayroong sakit sa puso.

“Siguraduhin lang po natin na wala po tayong underlying na sakit din po dahil po kahit kaunting amount na sinasabi po natin or allowed amont nna pwede nating inumin pero kung may underlying na sakit kahit small amount can trigger po iyong pag- deteriorate ng kalagayan, ng ating situation” ani Philippine Heart Association President Dr Orlando Bugarin.

Sa ngayon, wala pang hawak na datos ang mga eksperto sa mga nagkakasakit ng holiday heart syndrome kasabay na pandemya.

“Kung magkaroon ka Covid-19 at mahina ang iyong immune system, mahina ang iyong puso at may history ka na ng stroke before tapos ikaw ay naninigarilyo umiinom ng alak so kung baga po mas mataas po ang tiyansa na tumaas po ang ganitong mga kaso, but I think magada itong study lalo na ngayong may pandemic tapos holiday season. we would look into that po ng registry” ani Philippine Neurological Association Dr.Dr. Annmarie Joyce Tenorio.

Babala rin ng mga eskperto, dahil may umiiral na pandemya ang mga nakararanas nito ay vulnerable na magka- Covid-19. At kapag tinaamaan ang isang may holiday heart syndrome ng Covid-19 ay tiyak na malala ang magiging sitwasyon nito.

Muli’t muling paalala ng DOH sa publiko ngayong holiday season, anomang malabis na konsumo ng pagkain at inumin ay makasasama sa kalusugan ng tao.

Kasabay ng food intake ay dapat ding mag- ehersisyo lalo na’t madalas na nasa bahay ngayon ang mga Pilipino dahil sa pandemya.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,