Mga equipment na gagamitin ng National Telecommunications Commission sa pagmo-monitor ng internet speed sa bansa, sinubukan

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 2476

DARLENE_INTERNET
Nagsagawa ng pilot testing ang National Telecommunication Commission o NTC sa equipment na gagamitin sa pagmomonitor ng internet broadband speed ng mga Internet Service Providers o ISP.

Minonitor muna ng NTC kung ibinibigay ng mga isp ang nakaadvertise nilang internet broadband speed para sa mga line subcriber nito.

Ginawa ito sa pamamagitan ng device na tinatawag na handheld service tester kung saan sinubok kung gaano kabilis ang pagda-download ng local at international websites.

Sinubukan muna ito sa main office ng NTC sa Quezon city kahapon kung saan apat na isp ang minonitor ng NTC kabilang dito ang Globe, PLDT, Bayantel at Skycable.

Ipupublish naman kaagad ang resulta nito.

Paliwanag pa ng NTC na may katapat na parusa ang alinmang telco na may makikitang paglabag.

Pinaplano na rin ng NTC ang pagmomonitor para sa mobile broadband internet speed.(Darlene Basingan/UNTV Correspondent)

Tags: