Daan-daang mga taxpayer ang ipinatawag sa public consultation ng Bureau of Internal Revenue para sagutin ang mga tanong kaugnay ng bagong tax exemption rule sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.
Pangunahing itinanong ang issue kung exempted pa rin sa pagbabayad ng income tax ang mga minimum wage earner na hihigit sa 250 thousand pesos ang natatanggap na sahod sa isang taon dahil sa overtime at ibang insentibo.
Iginiit naman ng kawanihan na epektibo na simula pa noong January 1 ang bagong tax reform law kaya hindi na dapat kaltasan ng income tax ang mga sumasahod ng 21 libo pababa sa isang buwan.
Ang mga employer na hindi sumusunod sa bagong tax exemption rule ay maaaring direktang magsumbong sa BIR.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )