Nagmartsa ang mga dating empleyado ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) mula Court of Appeals (CA) papuntang Department of Labor and Employment (DOLE) upang iprotesta ang pagkakatanggal nila sa trabaho.
Tatlong araw silang magkakampo sa tapat ng DOLE upang magcountdown para sa deadline ng clarificatory order ng kagawaran hinggil sa utos nitong i-regular ang nasa walong libong manggagawa.
Naghain ng petition for certiorari sa CA ang PLDT upang kontrahin ang utos ng DOLE na i-regular ang kanilang mga empleyado, pero wala pang desisyon dito ang CA.
Naghahanda naman ng susunod nilang hakbang ang DOLE sakaling magmatigas pa rin ang PLDT.
Apat na milyong pisong cash assistance ang naipamahagi na ng DOLE para sa mga natanggal at hindi pa nareregular na mga manggagawa.
Sa ngayon ay wala pa ring sagot ang PLDT hinggil sa isyu.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )