Mga empleyado ng Korte Suprema, idinaan sa boodle fight ang panawagang P16,000 monthly national minimum wage

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 1381

supreme-court-2

Idinaan sa boodle fight ng mga empleyado ng Korte Suprema ang kanilang panawagan na P16,000 monthly national minimum wage.

Kinondena ng Judiciary Employees Association-COURAGE ang P9,000 kada buwan na kinikita ng mga empleyado.

Ayon kay COURAGE national president Ferdinand Gaite, kapag ibinawas pa dito ang mandatory deductions, tax at utang ng mga empleyado, hindi na ito sapat para sa pang-araw araw na gastusin ng isang pamilya.

Simultaneous nationwide protests rin ang isinagawa ng mga empleyado ng Court of Appeals, at Malabon, Laguna, Sarangani, South Cotabato metropolitan at regional trial courts.

Sa darating na Abril 14, magsasagawa ng national walkout protest ang mga empleyado ng pamahalaan, sa pangunguna ng grupong COURAGE.

Tags: , ,