Mahigit isang libong empleyado ng city hall sa Calamba, Laguna ang inatasan ng kanilang punong lungsod na sumailalim sa mandatory drug testing.
Una nang nagpa-blood at urine drug test si Calamba City Mayor Justine Chipeco kasama ang ilang matataas na opisyal ng siyudad.
Ayon sa alkalde, ang hakbang na ito ay pagpapakita ng suporta sa kampaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagsugpo sa iligal na droga.
Binalaan naman ng opisyal ng Calamba na tatanggalin sa serbisyo ang sinomang empleyado na hindi sasailalim sa mandatory drug testing.
Nagalok naman ng rehabilitasyon ang lungsod sa mga empleyadong aamin na sila ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at handang talikuran ang masamang gawain.
(Sherwin Culubong/UNTV Radio)