Mga eksperto, inaalam pa kung saan nagmula ang UK variant na na-detect sa unang kaso nito sa Pilipinas

by Erika Endraca | January 15, 2021 (Friday) | 3070

METRO MANILA – Tinutukoy pa ng mga eksperto sa bansa kung saan nakuha ng bente y nueve anyos na lalaki mula sa Dubai ang na- detect sa kaniya na UK variant .

“Marami pong factors that we need to consider like the number of days from the time that they left the Philippines, until they reached dubai, ano ba yung naging activities in dubai, where we were provided hy this information hy the individual himself who tested positive for this variant. So pinagaaralan pa iyan.” ani DOH Spokesperson Sec. Maria Rosario Vergeire.

Nguni’t ayon sa DOH, ang tiyak sa ngayon ay umalis ito ng Pilipinas noong Decemebr 27 at dumating sa naturang bansa na negatibo sa Covid-19.

“On December 25 the couple had their RT- PCR test done here in the country and it yielded negative results. They went to dubai and upon entry in dubai they were swabbed again and the results were also negative”ani DOH Spokesperson Sec. Maria Rosario Vergeire.

Bumalik ito sa Pilipinas at kanyang partner noong January 7 at walang ipinakitang sintomas ng sakit.

Samantala, nasa 58% na ng close contact ng mga ito ang natawagan nguni’t may ilan pa rin na kailangang tuntunin ang lokasyon .

Ito ay dahil mali ang ibinigay nilang contact number, kina-kansela ang tawag o hindi talaga matawagan. Kasalukyan ginagamot ang pasyente na may pneumonia sa isang isolation facility.

Ayon sa DOH, inirekomenda na nila sa Office of the President na isama na sa travel ban list ang United Arab Emirates (UAE).

Ito’y bilang bahagi ng mas mahigpit na border control at maagapan pa ang pagkalat ng anomang bagong variant ng Covid-19 sa Pilipinas ,

“Time ito pong sinsabi natin so that we can analyze the case well and that they determine if there are still other individuals who are affecetd by this vairant and also we can further prepare our system para po kung sakali kung may makita pa tayong iba o hindi kaya ay magtataas ang kaso—tayo po ay magiging ready. ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ayon pa kay Sec Duque, asahan na ang posibleng pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa. Iniiwasan naman ng doh at mga eksperto ang pagkalat pa ng bagong variant ng covid-19 sa pilipinas ito’y upang hindi rin mapuno ang hospital capacity ng Pilipinas

At hindi umabot sa 300,000 ang Covid-19 cases sa loob ng isang buwan kapag naging dominant ang bagong variant. Samantala, naniniwala ang mga eksperto na epektibo pa rin ang mga dine- develop na Covid-19 vaccine laban sa bagong Covid-19 variants.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,