Mga edad 12-17, maaari nang makatanggap ng booster dose vs COVID-19

by Radyo La Verdad | July 6, 2022 (Wednesday) | 26929

METRO MANILA – Maaari nang makatanggap ng booster dose kontra COVID-19 ang lahat ng mga edad 12 hanggang 17.

Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH) sa twitter page nito kahapon.

Ginawa ng DOH ang anunsyo isang linggo matapos ipagpaliban ang pagbibigay ng first COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised na mga menor de edad bunsod ng limitasyong itinakda ng Health Technology Assessment Council (HTAC).

Ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari nang mag-umpisa sa pagkakaloob ng booster dose ang lahat ng implementing units kung may kapasidad na ang mga itong mag-administer ng anti-coronavirus booster shot.

Sa Davao City, sinimulan na nitong Lunes (July 4) ang roll out ng first booster shot sa mga menor de edad.

Paalala ng DOH sa mga magulang o guardian, dalhin ang vaccination card at valid id ng batang babakunahan pati ang dokumentong magpapatunay ng inyong relasyon sa bata.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa inyong barangay o sa lokal na pamahalaan.

Tags: ,