Mga drug lord na nag-alok ng P1B pot money laban kay Incoming PNP Chief Dela Rosa, hinamon nito ng duelo

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 1187

DELA-ROSA
Hinahamon ng duelo ni Incoming Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang mga drug lords na nag-ambag ambag para sa one billion peso reward laban sa kanila.

Ayon kay Gen. Dela Rosa, kapag natalo nya sa duelo ang mga ito ipagpapatayo nya ng rehabilitation center ang isang bilyong piso sa lugar kung saan maraming nabiktima ang mga sindikato ng droga.

“Yung pot money na P1B na yan idodonate ko yan hanapin ko yung region dito sa Pilipnas na maraming drug addict, idonate ko yan at magpagawa ako ng drug rehabilitation center.” Pahayag ni Dela Rosa

Sa ganitong paraan aniya ay makatutulong pa sya at yan ay mangyayari kung susuwertihin syang manalo sa duelo laban sa dalawampung drug lords na umano’y naglagay ng patong sa kanyang ulo.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,