Sumulat sa Korte Suprema ang mga complainant sa impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno upang humingi ng kopya ng mga dokumentong binabanggit sa kanilang reklamo.
kabilang na dito ang kautusan sa pagbuo ng judiciary decentralized office at regional court administration office sa visayas
Ang memorandum ni Justice Teresita Leonardo De Castro na kumukwestyon sa pagkakatalaga sa hepe ng Philippine Mediation Center at pagbibigay ng travel allowance sa staff ni Sereno.
Ayon sa abogado ng VACC, minabuti nilang hingin na ang mga dokumento upang huwag na itong i-subpoena ng Kamara.
Dati na rin aniya itong nangyari sa impeachment noon kay dating Chief Justice Renato Corona, kung saan ibinigay ng SC En banc ang mga dokumentong sinubpoena ng Kamara.
Ayon pa sa abogado, masusi na ring inaaral ng ilang kongresista ang kanilang reklamo at malaki ang pag-asang may mag-iendorso na nito.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: impeachment complaint, Korte Suprema, Sereno