Hindi na saklaw ng ipinatutupad na number coding scheme ng Metropolitan Development Authority ang mga doktor na reresponde sa emergency cases.
Ayon kay MMDA General Manager Thomas Orbos, sa pamamagitan nito ay hindi na maaabala ang mga doktor na on duty.
Tiwala rin ang ahensya na hindi aabusuhin ng mga ito ang exemption sa number coding.
Sakaling masita ng MMDA personnel, kailangan lamang ipakita ng mga medical practitioner ang kanilang updated identification card mula sa Professional Regulation Commission o PRC.
Tags: automatically exempted, emergency cases, Mga doktor, MMDA, number coding