METRO MANILA – Ipinagbabawal na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang paglalagay ng anomang dekorasyon sa mga paaralan.
Sa ilalim DepEd memorandum order number 21 series of 2023, nakasaad na ipinagbabawal na ang pagkakabit ng anomang posters, artworks, tarpaulin o anomang dekorasyon sa loob ng mga classroom, school grounds at iba pang pasilidad ng eskwelahan.
Ayon kay vice president at education secretary Sara Duterte, layon nito na mas makapag-concentrate ang mga estudyante sa mga aralin na itinuturo ng mga guro, at maiwasan na mabaling sa ibang bagay ang kanilang atensyon.
Mariin naman itong kinontra ng ACT teachers partylist, at iginiit na dapat na lamang hayaan ang mga guro na gawin ang kani-kanilang istilo sa pagtuturo sa mga estudyante.
Tags: DepEd