Mga dadalo sa thanksgiving party ni incoming Pres. Rodrigo Duterte sa June 4, pinayuhang maging alerto

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 1994

JANICE_PAGHAHANDA
Puspusan na ang paghahanda ng Davao City Police para sa idaraos na thanksgiving party ni incoming Pres. Rodrigo Duterte sa June 4.

Ayon sa tagapagsalita ng davao city police office na si chief inspector milgrace driz, inilatag na nila ang ipatutupad na seguridad kasunod na rin ng natanggap nilang banta ng terorismo.

Dalawang libong tauhan ang ipapakalat nila sa buong davao city bukod pa sa idi-deploy na mga pulis sa venue na crocodile park.

paalala rin nila sa mga dadalo sa party na maging alerto at sundin ang ipatutupad na security measures gaya ng inspection at pagbabawal na magdala ng bag.

Bawal ring magdala ng mga nakalalasing na inumin at sigarilyo lalo na sa mga dadayo sa lungsod.

samantala, inilabas na rin ng davao city police ang imahe at pangalan ng mahigit sa dalawampung indibidwal na kabilang sa terrorist watchlist.

Ang mga ito ay mga miyembro umano ng khalifa islamiyah mindanao group na suspek sa kidnapping at pambobomba sa ilang bahagi ng mindanao.

Sa kanilang natanggap na impormasyon, nakita umano sa lungsod ang ilan sa nasa terrorist watchlist kaya panawagan nila sa publiko na agad isumbong ang mga kahina-hinalang tao, bagay o gawain.

Una nang itinaas sa red alert status ang buong lungsod dahil sa pinakamalaking kasiyahan sa davao na tinawag na du31: one love, one nation thanksgiving party.

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)

Tags: , ,