Pinapayuhan ng Maynilad ang kanilang mga kustomer na mag-imbak ng sapat na tubig dahil sa posibilidad na magpatupad sila ng water service interruption bunsod ng paparating na bagyo.
Ayon sa Maynilad, karaniwang tumataas ang turbidity o nagiging malabo ang tubig dahil sa malakas na hangin at ulang dala ng bagyo kaya maaaring mapilitan silang bawasan ang produksiyon ng La Mesa Water Treatment Plants. Ito ay upang matiyak na ligtas at malinis ang suplay ng tubig.
Para sa anomang katanungan o update, maaaring makipag-ugnayan sa Maynilad sa pamamagitan ng kanilang textline, email, at social media accounts.
Tags: bagyo, Maynilad, water service interruption