MANILA, Philippines – Pumalo na sa 432 ang kabuoang bilang ng mga presong sumusuko matapos mapalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law batay sa datos ng PNP kahapon (September 15) ng alas-6 ng gabi.
Sa nasabing bilang , 252 sa mga ito ang nai-turn over na sa Bureau of Corrections (BUCOR).
Pinakamarami sa mga ito ay nahatulan dahil sa kasong murder na sinundan naman ng Rape, Robbery w/ Homicide at Homicide
Ayon kay PNP Spokesman PBGen. Bernard Banac, umaasa silang magtutuloy-tuloy pa ang pagsuko ng halos sa 2,000 convicted criminals na pinalaya sa ilalim ng GCTA Law.