Mga contractual service employees sa Subic hinikayat na umapela sa DOLE

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 1446

DOLE
Patuloy ang pagdami ng mga trabahong mapapasukan sa Subic Bay Freeport Zonedahil sa patuloy na pagpasok ng mga local at foreign investor ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority

Kasabay ng pagdami ng trabahong mapapasukan ang pagtaas rin ng bilang ng mga contractual employees.

Nakasaad na sa batas na matapos na makapagtrabaho ang isang contractual employee sa loob ng anim na buwan dapat ay ma-regular na ito.

Ngunit hindi ito ang nangyayari at sa halip, nanatiling contractual ang isang empleyado sa kabila ng mahigit sa anim na buwan nitong ipinagtrabaho sa pinapasukang kumpanya.

Kaya naman, nanawagan ang Subic Bay Metropolitan na i-apila ng mga contractual employee sa Department of Labor and Employment ang kanilang kalagayan.

Maaaring masuspinde ang permit o maipasara ang isang establisimyento kapag na mapatunayan ng DOLE na may paglabag ito sa Labor law.

Ngunit ayon sa Labor Department, wala pa sa limang porsyento ng mahigit labing isang libong contractual employees sa sbma ang nagre-reklamo dahil sa takot na mawalan ng trabaho.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,