Mga bus sa Baguio City na papuntang Metro Manila, fully booked na

by Radyo La Verdad | January 4, 2016 (Monday) | 1687

GRACE_FULLY-BOOKED
Isang daan at tatlumpung units ang inihanda ng isang bus company sa Baguio City upang maserbisyuhan ang mga turistang nabakasyon sa Baguio City nitong long holiday pabalik ng Metro Manila.

Ayon sa dispatcher ng bus company na Victory Liner na si Walter Cacpaas hanggang alas dos ng madaling araw ay fully booked na ang mga bus na bibiyahe pabalik ng Manila.

Ito ay dahil sa pagdagsa ng tinatayang sampung libong biyahero ngayon na pabalik ng Metro Manila.

15-20 minutes ang time interval ng pag-alis ng bus pabiyaheng Maynila.

Kaya naman marami sa mga bakasyonista ang naghintay ng madaling araw bilang chance passenger makauwi lang ng Manila.

Gaya na lamang ng nakausap natin na si Wellord Amaza hindi raw siya nakapag pabook ng maaga kaya naman ang chance passenger na lamang ito.

Ang ilang mga bakasyonista maaga umano silang nagpa-book, at inaasahan na umano nila na madedelay pa rin ang biyahe nila dahil sa posibilidad na magkaroon ng matinding traffic sa mga expressway dahil sa pagdagsa ng mga pasaheros na babalik ng Metro Manila ngayong araw ng Lunes.

Tiniyak naman ng mga bus company ang seguridad ng mga pasahero dahil nakakondisyon ang kanilang bus para sa mahabang biyahe, maging ang mga driver at mga pahinante ay may sapat na pahinga at tulog ang mga ito upang makaiwas sa anomang aksidente sa kalsada.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,