Mga bus at terminal, ininspeksyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng nalalapit na undas

by Radyo La Verdad | October 28, 2015 (Wednesday) | 1358

DRUG-TESTING
Inumpisahan na myerkules umaga ang random drug testing sa mga bus driver sa Araneta bus terminal na bahagi ng oplan ligtas biyahe ng Department of Transportation and Communication.

Bago umalis ang isang bus isinailalim muna ang mga driver nito sa drug testing na ang resulta ay makukuha sa loob lamang ng limang minuto.

Sa pamamagitan ng urine sample, kayang matukoy kung may marijuana o shabu sa katawan ng isang tao

Kapag nag-negatibo, bibigyan ng health officer ng certificate na nagpapatunay na pumasa ang driver sa drug test

Kapag nag positibo sa ipinagbabawal na gamot, dadalhin sa pinakamalapit na ospital ang driver upang magsagawa muli ng drug testat kung mag positibong muli ay dadalhin na ito sa pinakamalapit na police station.

Tatlo ang nag positibo kanina sa initial drug testing, subalit tumanggi ang accredited insurance center na ibigay ang pagkakakilanlan ng mga driver dahil maaaring mag-negatibo pa ito sa testing na gagawin sa ospital.

Hindi papayagan na maka- pagdrive kapag nag positibo ang isang driver, at kaagad na papalitan ng ibang magmamaneho. ( Mon Jocson / UNTV News )

Tags: