Mga botika na lalahok sa “Resbakuna sa Botika”, handa na – PHAP

by Radyo La Verdad | January 19, 2022 (Wednesday) | 839

Suportado ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) ang pilot implementation ng resbakuna sa botika.

Sa ilalim ng programang ito ng pamahalaan, papayagang magbakuna ng booster shot ang ilang private clinics at botika sa Metro Manila.

“Matagal na naming sinasabi na ang mga pharmacist are highly-trained healthcare professionals. Dapat gamitin natin sila kasi nandoon na sila sa komunidad”, ani Dr. Beaver Tamesis, President, PHAP.

Limang botika at dalawang private clinics ang lalahok sa programa ng pamahalaan.

Ayon sa PHAP, sanay na ang mga botika sa pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng mask at social distancing. Pero makatutulong pa rin  kung makapagbibigay ng tulong ang PNP upang masiguro na nasusunod ang health and safety protocols.

Sisiguraduhin din nga mga botika na mayroong sapat na ventilation upang maiwasan ang hawaan ng covid-19 sa mga magpapabakuna.

Isasagawa ang pilot implementation ng ‘resbakuna sa botika’ bukas hanggang sa biyernes

Aileen Cerrudo | UNTV News

Tags: , , ,