Mga botanteng may incomplete biometrics record sa Comelec, pahihintulutang makaboto sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 1313

BIOMETRICS
Sa tala ng Commission on Elections nang matapos ang registration period noong Oktubre, nasa mahigit dalawang milyong dati nang mga rehistradong botante ang hindi nakapagpa-validate ng kanilang biometrics.

Gayunpaman, hindi lahat ay hindi makakaboto sa 2016 elections.

Batay sa Comelec Resolution Number 10013, kung lalabas sa pagsusuri na ang isang botante ay incomplete lamang o kulang ang biometrics record, hindi ito madedeactivate at papayagan pa ring makaboto.

Sa biometrics registration kinukuha at inilalagay sa computer database ng Comelec ang larawan, pirma at fingerprint ng isang botante.

Papayagan ding makaboto ng Comelec sa darating na halalan ang mga botante na na- corrupt ang biometrics record.

Subalit nanindigan ang Comelec na kahit dati nang botante ngunit hindi nakatala sa Comelec ang kahit isa biometrics data nito ay hindi makakaboto sa 2016 elections.

Sa mga hindi nakapagpa-validate ng biometrics, maaring malaman kung kasama sa mga papayagang makaboto gamit ang precinct portal ng Comelec sa kanilang website sa Enero. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,