Mga binaklas na illegal campaign materials ng Metro Manila Development Authority, irerecycle upang gawing ecobags at iba pang gamit

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1569

ILLEGAL-CAMPAIGN-POSTER
7 tonelada ng illegal campain materials ang naipon ng Metropolitan Manila Development Authority sa loob pa lamang ng 8 araw nang magsimula ang campaign period noong Febuary 9.

Ang mga illegal campain material na pinagba-bakalas ng MMDA ay ibibigay sa Ecowaste Coalition ngayon huwubes upang i-recycle at mapakinabangan.

Ayon kay Ecowaste Coalition Coordinator Aileen Lucero ng ang mga ito ay gagawin nilang mga bag, pouch, mail at shoe organizer at iba pa.

Ibibigay naman nila ang mga tarpaulin na ito sa mga community organizations upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga kababaihan.

Ang mga recycled material kapag nagawa ng bag ay maaring ipagbili ng 50 hanggang 250 pesos.

Ayon kay MMDA Environmental Management Division Chief Francis Martinez pinakamaraming illegal campain posters na nabaklas nila ay sa Quezon City at pangalawa ang lungsod ng Maynila.

Pinakamarami namang illegal campaign materials na tinanggal ay kay Senator Grace Poe.

Sa ngayon wala pang nahuhuli ang MMDA na aktuwal na naglalagay ng mga campain poster sa mga ipinagbabawal na lugar ng COMELEC.

Nakiusap naman si MMDA General Manager Corazon Jimenez sa mga kandidato ngayong eleksyon na maging responsable sa paglalagay ng kanilang campaign posters at sumunod sa batas.

Una nang sinabi ng COMELEC bawal ang paglalagay ng anumang campaign materials sa mga sa poste, puno, overpass at thoroughfares o sa mga lugar na hindi otoridado ng comelec.

Maaari namang magkabit ng mga campaign materials sa pribadong lugar kung may pahintulot ang may-ari.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: ,