Mga biktima ng rent-tangay, dumulog sa DOJ, upang hilingin na imbestigahan ang naturang modus operandi

by Radyo La Verdad | February 16, 2017 (Thursday) | 1058


Dumulog sa Deparment of Justice ngayong araw ang ilang biktima ng rent-tangay upang hilingin na magsawa ng Malawakang imbestigasyon ang ahensya hinggil sa naturang modus operandi.

Nais rin ng mga biktima na mag-isyu ang DOJ ng look-out bulletin laban kina Tychicus Historillo Nambio, Rafaela Anunciacion at Lean Constatino Rosales na umano’y nasa likod nito.

Ayon sa abogado ng mga complainant na si Atty.Ariel Inton, sa ngayon ay nasa higit isang libo na ang mga nabibikitma ng naturang modus operandi, kung saan nirerentahan ng mga ito ang sasakyan ng biktima sa halagang 40 thousand pesos, at saka ito tatangayin at ibebenta.

Sinasabing nag-o-operate ang mga suspek sa iba’t-ibang lugar sa bansa, partikular na sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Laguna.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,