Hinihikayat ng Department of Justice ang mga biktima ng pang-aabuso at iba pang krimen sa Eastern Visayas na lumapit sa binuong Claims Board upang mabigyan ng ayuda.
Sa ilalim ng republic act 7309 na bumubuo sa Board of Claims ng DOJ, maaaring bigyan ng kumpensasyon ang mga nabiktima ng karahasan at krimen gaya ng rape pati na ng unjust imprisonment o detention.
Kailangan lamang ay magsumite sila ng application form sa Board of Claims sa Prosecutors’ office at idadaan ito sa evaluation.
Ayon kay Asst. State Prosecutor Alexander Suarez, kakaunti lamang ang nakakaalam ng mga programang ito ng pamahalaan kaya nagsasagawa sila ng information drive sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Tags: DOJ, eastern visayas