Tuloy ang trabaho ng Human Rights Victims Claims Board matapos lagdaan ng Pangulong Aquino ang RA 10766 na nagpapalawig sa komisyon ng 2 taon.
Sa ngayon ay nasa 11,700 na ang kanilang napagaaralang applikante habang mahigit sa 75 libo naman ang kailangan nilang suriin.
Bawat isa ay gagawang ng desisyon na paghahatian ng mga miyembro ng board.
Iniisa-isa nila ang bawat dokumento at ebidensya upang hindi malusutan ng mga nais manamantala.
Pinagsasama-sama na nila ang mga magkakatulad ang kaso.
Kailangan munang matapos ang assessment sa lahat ng lehitimong aplikante bago maipamahagi ang halangang P10B na inilaan sa mga biktima ng Martial law noong panahon ng Pangulong Ferdinand Marcos.
Magdedepende sa pinsalang natamo ang halagang matatanggap ng bawat biktima.
Mga kamag-anak naman ang makikinabang sa mga biktimang namatay na.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)
Tags: Human Rights Victims Claims Board, Mga biktima ng Martial law, nag-apply ng kompensasyon